^

Bansa

Strunk nakaalis na ng 'Pinas

-
"Babalik ako!"

Ito ang ipinangako ni Rod Strunk, asawa ng napaslang na aktres na si Nida Blanca, bago ito lumipad patungong Estados Unidos kamakalawa ng gabi upang makapiling ang kanyang comatose na inang si Helen na may acute leukemia.

Maayos na nagpaalam si Strunk sa National Bureau of Investigation (NBI) at dahil sa walang hold departure order, pinayagan itong makaalis,

Tiniyak ni Strunk na wala siyang balak magtago sa Amerika upang takasan ang ibinibintang ng mga awtoridad na siya ang pangunahing suspek sa pagpatay sa asawa.

Idinagdag din ng mga abugado ni Strunk na makikipagtulungan ang huli habang ito ay nasa ibang bansa at bilang patunay ay iniwan ni Strunk ang kanyang address at telephone numbers sa Amerika.

Kasamang naghatid kay Strunk ang pamangkin ni Nida na si Lita dela Paz, ina ni Nida na si Inocencia Acueza at mga abogado ni Strunk. (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

AMERIKA

BABALIK

BUTCH QUEJADA

ESTADOS UNIDOS

INOCENCIA ACUEZA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NIDA

NIDA BLANCA

ROD STRUNK

STRUNK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with