^

Bansa

Bangkay itinuro ng multo

-
ANTIPOLO CITY - Isang batang babae na hinihinalang biktima ng panggagahasa at pagpatay sa lungsod na ito ang umano’y nagpakita sa isang residente at itinuro ang lugar na pinagtapunan ng kanyang bangkay upang mabigyang katarungan ang ginawa sa kanya ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Sa ulat ng pulisya, natagpuan ni Antonio Danoto, 26, may asawa, residente ng Sitio Quarry, Bgy. San Jose, ang kalansay ng isang batang babae na nakalagay sa sako dakong alas-9 ng umaga.

Sa salaysay ni Danoto, naglalakad siya dakong alas-10 ng gabi noong nakaraang Sabado papauwi buhat sa trabaho ng magpakita sa kanya ang isang bata sa matalahib na bahagi ng lugar, ngunit bigla ring nawala.

Sa takot, agad siyang umuwi pero sa bahay ay hindi siya mapakali at may kung anong nag-uudyok sa kanya para bumalik sa pinagkitaan sa bata.

Kinaumagahan nga ay binalikan nito ang naturang lugar at dito niya nadiskubre ang naturang sako na naglalaman ng kalansay ng isang paslit.

Ayon kay SPO1 Reynaldo Anclote, ng Antipolo police station, posibleng ang kalansay ay ang nawawalang si Mary Joy Roilaq, 7, residente ng naturang lugar.

Nabatid na mula pa noong Hulyo 1999 nawala ang bata at matagal ding hinanap ng mga magulang.

May teorya ang pulisya na maaaring ginahasa ang biktima bago binagsakan ng bato sa ulo dahil sa malaking basag sa bungo ng kalansay.

Dinala na ang bangkay sa PNP Crime lab upang makilala ng tuluyan at isailalim sa awtopsiya. Umaasa naman ang pamilya nito na mabigyan ng hustisya ang sinapit ng anak at mahuli ang mga suspek. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANTONIO DANOTO

AYON

BGY

DANILO GARCIA

DANOTO

DINALA

MARY JOY ROILAQ

REYNALDO ANCLOTE

SAN JOSE

SITIO QUARRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with