Ito ang inihayag ni Senador Blas Ople matapos ang sunud-sunod na panawagan ng mga kasapi ng Philippine Consultative Assembly (PCA) at mga militanteng grupo na kabilang sa civil society na siyang bahagi ng makasaysayang EDSA 2.
Sinabi ni Ople na ang panibagong pagpapalit ng liderato sa panahong ito ay hindi na makabubuti sa bansa at lalo lamang itong magdudulot ng destabilisasyon sa pamahalaan at pagbulusok ng ekonomiya.
"LDP preferred to having President Gloria Macapagal-Arroyo finish her term and defend her achievements in the 2004 presidential elections. She has a right to finish her term and her opponents should recognize that right," pahayag ni Ople.
Hindi anya dapat pang mawala ang nalalabing mga dayuhan at lokal na mamumuhunan sa bansa at dapat na suportahan na lamang ang kasalukuyang gobyerno at kung hindi sila nasisiyahan ay igawad na lamang nito ang kanilang pasya sa darating na 2004 presidential elections.
Dapat din anyang magkaroon ng kaayusan ang anumang kilos protesta at tiyaking hindi nito nalalabag ang anumang batas upang maging maayos ang lahat na hindi magtataboy sa mga negosyante.
Kasabay nito, nagpahayag ng kasiyahan si Ople matapos na mabatid ni Pangulong Arroyo na hindi ang oposisyon ang kasalukuyang kalaban nito na siyang nagpapakalat ng kudeta kundi ang kanyang mga dating kaalyado.
Malinaw na ang lahat na ang naninira sa kanya ay ang mga gustong mabalik sa tungkulin na nawala sa poder, wika ni Ople. (Ulat ni Rudy Andal)