Ayon sa Pangulo, mas makabubuting ituon muna ang pansin sa katatagan ng bansa partikular ang ekonomiya.
Kasabay nito, magpapatuloy ang mga biyahe at pagbisita ang Pangulo sa ibat ibang mga lalawigan kahit na inaakusahan ito ng pangangampanya ng mga kritiko ng administrasyon.
Nagtatampo ang Pangulo sa kanyang mga kritiko na halos wala siyang mapaglagyan dahil kung hindi siya lalabas ng Malacañang at magkukulong sa Palasyo ay aakusahan din na hindi lumalapit sa taumbayan.
Ayon sa Pangulo, kanyang susundin ang payo ng kanyang ama na gawin ang tama at nararapat para sa interes ng nakararami. (Ulat ni Ely Saludar)