^

Bansa

GMA pinapasa-Diyos ang kapalaran sa 2004

-
Muling nanawagan si Pangulong Arroyo na huwag munang pag-usapan ang isyu sa 2004 presidential elections at ipinagpapasa-Diyos na lamang nito ang magiging kapalaran sa taong ‘yon.

Ayon sa Pangulo, mas makabubuting ituon muna ang pansin sa katatagan ng bansa partikular ang ekonomiya.

Kasabay nito, magpapatuloy ang mga biyahe at pagbisita ang Pangulo sa iba’t ibang mga lalawigan kahit na inaakusahan ito ng pangangampanya ng mga kritiko ng administrasyon.

Nagtatampo ang Pangulo sa kanyang mga kritiko na halos wala siyang mapaglagyan dahil kung hindi siya lalabas ng Malacañang at magkukulong sa Palasyo ay aakusahan din na hindi lumalapit sa taumbayan.

Ayon sa Pangulo, kanyang susundin ang payo ng kanyang ama na gawin ang tama at nararapat para sa interes ng nakararami. (Ulat ni Ely Saludar)

AYON

DIYOS

ELY SALUDAR

KASABAY

MALACA

NAGTATAMPO

PALASYO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with