Sinabi ni Nario na walang patutunguhan ang kaso ni Estrada kung mapupunta lamang ito sa isang dibisyon na pawang malapit nang magretiro ang mga mahistrado.
Importante rin anyang maging kasapi ng bubuuing dibisyon ang mga mahistradong may tatlo hanggang apat na taon pang nalalabi sa serbisyo upang masiguro na matatapos ang kaso ni Estrada.
Hindi naman umano kailangang muling umpisahan ang paglilitis dahil magiging kasapi ng dibisyon si Associate Justice Teresita Leonardo de Castro.
Si de Castro ang kasalukuyang acting chairperson ng Third Division na humahawak sa plunder case, illegal use of alias at perjury case ni Estrada.
Tiyak umanong kukunin sa special division ang mga batang justices upang masiguro na matatapos ng mga ito ang paglilitis sa kaso ni Erap.
Nag-ugat ang ideya na bumuo ng special division matapos magkaroon ng bakanteng posisyon ang mga mahistrado ng Third Division. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)