Pinabulaanan ni Ramos ang mga akusasyon nabanggit at sinabing suportado niya ang administrasyong Arroyo .
"Bakit ako pa ang magpaplano ng kudeta. Hindi ko maaring sirain ang aking kredibilidad sa mamamayan Pilipino." ani Ramos.
Si Ramos ay nagsalita sa harapan ng mamamahayag ilang minuto bago siya makipagkita kay Arroyo sa isang hapunan sa Palasyo kamakalawa ng gabi .
May nagsasabing na mga bataan daw ni Ramos ang maglulunsad ng panibagong kudeta ito umano ay ayon kay dating LTO Chief Edgardo Abenina .
Pero ang isyung ito ay pinasinungalingan ni Gene Tosino, tagapagsalita ng LTO,dahil may mga taong nagpapanggap na sila si General Abenina at tumatawag sa tanggapan ng major newpapers .
"Gusto lang sirain ang kredibilidad ni Abenina" ani Tosino. (Ulat ni Tolentino )