Cervantes espiya ng gobyerno
January 7, 2002 | 12:00am
Inamin ni National Security Adviser Roilo Golez na espiya niya ang napaslang na si Baron Cervantes isa o dalawang buwan matapos siyang maitalaga ng Pangulo Gloria Macapagal Arroyo sa gabinete nito noong Pebrero 2001.
Bilang espiya, sinabi ni Golez na hinihingan niya ito ng pag-aanalisa sa ibat-ibang mga isyu bago siya gumawa ng desisyon at sa pangangalap ng mga intel information.
Ayon kay Golez, si Cervantes ay hindi pirmihang empleyado ng kanyang tanggapan at ang kontrata niya ay nagkakaroon ng pagpapalawig kada anim na buwan.
Ayon kay Golez,bago mapatay noong Disyembre 31, si Cervantes ay nakatakdang anya magbigay ng dokumento.Ito ay inilibing kahapon sa Manila Memorial Park,Sucat, Parañaque.
Ang mga dokumentong ito, ayon kay Golez ay maaring makatulong ng malaki sa imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa pagkamatay ni Cervantes. Sinabi ni Golez hindi naman dapat na hatulan kaagad ang nilalaman ng dokumentong ito .
"Huwag natin agad bigyan ng judgement kung anuman ang mga papeles na iyan sapagkat iyan ay mga lead na hindi ibig sabihin na parang incontrovertible at iyan ay kanyang palagay lamang," ani Golez.
Sinabi ni Golez na may impormasyong nakarating sa kanya na bukod kina Council of Philippines Affair (COPA) Secretary General Pastor Boy Saycon at Supt. Armando Pineda, hepe Las Piñas City police ay may death threats din si Melvin Mitra, isang FEU professor na testigo sa nasabing kaso. (Ulat nina Lilia Tolentino at Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended