^

Bansa

Impostor na Abenina isinabit si FVR sa kudeta

-
Isa namang di kilalang phone caller na nagpakilalang siya umano si dating Land Transportation Office (LTO) chief Edgardo Abenina ang nag-aakusa na kabilang si dating Pangulong Fidel Ramos sa umano’y nagplano upang pabagsakin ang kasalukuyang pamahalaan sa pamamagitan ng kudeta.

Dakong alas-11:30 ng umaga kahapon ng makatanggap ang buong miyembro ng Western Police District (WPD) nang isang tawag at nagpakilalang si General Abenina kung saan sinabi nito na mayroon umano sanang magaganap na coup de etat noong Disyembre 31, 2001.

Sinabi ng naturang caller na isa umano si Ramos sa mga nagpaplano at mamumuno sa naturang destabilisasyon at binanggit nito na hawak umano niya ang mga dokumento at video tape na magpapatunay na mayroong mga malalapit na opisyal kay Pangulong Arroyo na nagbabalak na sumama sa nasabing kaguluhan.

"Ibubunyag ko ang mga opisyal ng pamahalaan na nagbabalak na mag-kudeta, hawak ko ang lahat ng ebidensiya," sabi ng caller.

Gayunman, nang sabihin ng caller na siya ay nasa Baguio City at kumpirmahin naman sa LTO, nabatid sa spokesperson nito na si Col. Gene Tocino na narito lamang sa Maynila si Abenina at walang katotohanan ang naturang balita.

Ang naturang caller ay napag-alamang tumawag sa iba’t ibang tanggapan ng media, sa Central Police District at Camp Crame. (Ulat ni Grace Amargo)

BAGUIO CITY

CAMP CRAME

CENTRAL POLICE DISTRICT

EDGARDO ABENINA

GENE TOCINO

GENERAL ABENINA

GRACE AMARGO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

PANGULONG ARROYO

PANGULONG FIDEL RAMOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with