^

Bansa

Kuwintas, hiling na Christmas gift ni GMA kay First Gentleman

-
Kuwintas na babagay sa kanyang mga bagong damit ang hiling na regalo ni Pangulong Arroyo mula kay First Gentleman Mike Arroyo ngayong Pasko.

Bilang Presidente, sinabi niyang wala siyang nararamdamang pagkakaiba sa pagdiriwang ng Pasko matangi lang sa pangyayaring higit ngayong bukas sa publiko ang kanyang mga aktibidad kahit sa selebrasyon ng Pasko.

"Well, it’s more public, pati yong midnight mass ko televised," tumatawang pahayag ng Pangulo.

Dahil sa lubha siyang abala sa gawain wala na siyang panahon para bilhan ng regalong pamasko ang First Gentleman.

"We don’t even know where to spend our Noche Buena at kung saang kapilya dadalo ng misa de aguinaldo."

"Alam ko ang ibibigay niya (Mike) sa akin, kasi yung mga damit ko wala akong kuwintas na babagay doon. He’ll give me a simple one. Ngayon, ako, frankly speaking wala akong panahon kaya sinabi ko sa aking social secretary maghanap ng regalo, so I don’t know what she found," sabi ng Presidente.

Samantala, isang balabal o shawl ang regalong pamasko ni Pampanga Vice Governor Mikey Arroyo sa kanyang inang Pangulo.

Ayon kay Mikey, binili niya ito noong nagpunta siya sa US kasama sa pagbisita doon ng Pangulo nitong Nobyembre.

Sabi ni Mikey, karaniwang regalong ibinibigay sa kanya ng kanyang ina ay neck tie, leather belt at iba pang simple gifts.

Ang First Family ay nakatakdang magtungo bukas sa Baguio City at mananatili doon hanggang Bagong Taon.

Isang Maligayang Pasko at Mapayapang Bagong Taon ang hangad ng Pangulo at First Gentleman para sa sambayanang Filipino sa pagdiriwang ngayon ng bansa sa paggunita sa pagsilang ng Dakilang Mananakop. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ANG FIRST FAMILY

BAGONG TAON

BAGUIO CITY

BILANG PRESIDENTE

DAKILANG MANANAKOP

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

ISANG MALIGAYANG PASKO

PANGULO

PASKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with