^

Bansa

Payo ni GMA kay 1st Gentleman at Mikey

-
May mahalagang payong ibinigay si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kay First Gentleman Atty. Jose Miguel Arroyo at sa anak nitong si Mikey.

Ayon sa Presidente, ang payo niya sa First Gentleman ay magdiyeta dahil "sobrang" lusog nito.

Inamin ng Pangulo na dahil lubhang abala siya sa mga gawaing pambansa kung kaya’t wala siyang personal na panahong masubaybayan ang kabiyak para sa puspusang pagdidiyeta.

Para kay Pampanga Vice Governor Mikey Arroyo, ang pagunita ng Presidente ay maging matapat siyang asawa ngayong nalalapit na siyang magpakasal sa nobyang si Angela Montenegro.

Bilang isang padre de pamilya, sinabi ng Presidente na kailangang magsilbi siyang magandang halimbawa sa kanyang mga magiging anak.

"Sa magandang halimbawa ng sarili niyang Tatay kasi iyan ang magandang halimbawa... ang sarili niyang Tatay. Kasi iyan ang pinakaimportanteng paraan kung paano maihahayag ang sarili niyang mga asal," anang Presidente.

Sa isang magkahiwalay na panayam ng PSN, inihayag naman ni Mikey na wala pa namang naitatakdang petsa ng kanilang kasal ni Angela bagaman ang kasal ay nais nilang dalawang maganap sa susunod na taon.

Kaya nga aniya puspusang gagawa siya ng serye ng mga pelikula sa darating na 2002 ay para mapaghandaan ang kanyang pagiging padre de pamilya.

Sinabi ni Mikey na ang pagiging artista ay nakatutulong sa kanya ng malaki para makadagdag sa suweldo niya bilang Vice Governor.

"Ito ang nakikita kong lehitimong pamamaraan para kumita dahil Presidente ang aking ina at mahigpit niyang tagubilin na hindi kami puwedeng magkaroon ng transaksyon sa gobyerno," ani Mikey. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ANGELA MONTENEGRO

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN ATTY

JOSE MIGUEL ARROYO

LILIA TOLENTINO

MIKEY

PAMPANGA VICE GOVERNOR MIKEY ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

TATAY

VICE GOVERNOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with