^

Bansa

Barko at bangka nagsalpukan: 8 katao patay, 85 nawawala

-
Walo katao ang kumpirmadong nasawi, mahigit 85 pasahero pa ang iniulat na nawawala habang 62 ang nakaligtas kabilang ang 11 sugatan makaraang magbanggaan ang isang pampasaherong barko at isang fishing boat sa karagatan ng Hugnaya, San Remigio, Cebu City kahapon ng umaga.

Sa report ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard, kinilala ang mga namatay na sina Nilo Mercado, 41; Santos Aranger, 72; Carmencita Batido, 40; Paturiza Baltazar, 72; Luisa Lucay-lucay, 60; isang babae at dalawang lalaki na pawang di pa nakikilala.

Sa sketchy report na nakarating sa National Disaster Coordinating Council (NDCC), naganap ang insidente dakong alas-7 ng umaga.

Nabatid na low tide kaya hindi makapasok ang barkong M/V Island Express V mula Bantayan patungong San Remigio sa Pier kaya sinubukang ilipat nito ang kanilang mga pasahero sa kanilang service boat.

Base sa report, kasalukuyang naglalayag ang service boat nang sa di malamang kadahilanan ay bigla na lamang nabangga ang nakasalubong nitong MBCDA Dondon G, isang bangkang pangisda.

Mabilis umanong lumubog ang barko at nalunod ang mga biktima, habang ang mga sugatan ay isinugod sa Veraldo Hospital sa kalapit na bayan ng Bogo.

Napag-alaman na 412 katao ang puwedeng sumakay sa barko at kabilang sa iniulat na mga pasahero ay walong sanggol. Di pa matiyak kung ilan ang nasawi o nasugatan sa fishing boat.

Sa inisyal na imbestigasyon, "human error" umano ang sanhi ng trahedya matapos na mamiskalkula ng kapitan ng barko ang pagmamaniobra nito bunsod para mabangga nito ang kasalubong na bangkang pangisda na naglalayag rin sa nasabing karagatan.

Wala rin naman umanong masamang lagay ng panahon ng maganap ang panibagong trahedya.

Sinisiyasat rin ng mga imbestigador kung totoo na lasing ang kapitan ng barko kaya nabangga ang barko.

Nabatid pa na 45 minuto lamang ang pagbibiyahe ng service boat mula sa Bantayan island para makarating sa Hugnaya.

Patuloy naman ang isinasagawang paggalugad ng magkasanib na rescue teams ng Phil. Navy, Coast Guard at mga elemento ng AFP Visayas Command para masagip ang nawawala pang mga pasahero sa karagatan ng Hugnaya. (Ulat nina Joy Cantos at Ellen Fernando)

CARMENCITA BATIDO

CEBU CITY

COAST GUARD

DONDON G

ELLEN FERNANDO

HUGNAYA

JOY CANTOS

LUISA LUCAY

SAN REMIGIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with