Ayon sa report, biglang kinapos sa paghinga at dumanas ng matinding paninikip ng dibdib si Jinggoy, 38, dahilan para itawag ng kanyang cardiologist na si Dr. Lorenzo Jocson sa Sandiganbayan ang tungkol sa kalagayan ng dating alkalde.
Agad namang pinahintulutan ng Sandiganbayan ang paglilipat kay Jinggoy sa MMC.
Ayon kay Sandiganbayan Sheriff Edgardo Urieta, pumayag ang mga mahistrado ng Sandiganbayan na ilipat si Jinggoy dahil isang emergency ang sitwasyon.
Kagyat ding sumugod sa MMC si Senador Loi Estrada para daluhan ang kanyang anak. Hindi pa mabatid ang kasalukuyang kalagayan nito.
Si Jinggoy, kasama ng kanyang amang si dating Pangulong Estrada ay kapwa nakadetine sa VMMC habang nililitis sa kasong plunder.
Kung matatandaan nitong nakaraang Hulyo ay sinabi ng mga doktor ni Jinggoy na dapat itong manatili sa ospital dahil sa hypertension at paninikip ng dibdib. (Ulat ni Malou Rongalerios)