^

Bansa

Ador Mawanay lumayas na sa ISAFP

-
Umalis na sa pangangalaga ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines ang isa sa mga pangunahing testigo laban kay Senador Panfilo Lacson na si Angelo "Ador" Mawanay at sinasabing tuluyan nang lumipat sa pangangalaga ng mga security ng Department of Justice-Witness Protection Program dahil nakakainitan na umano nito ang mga tauhan ng ISAFP.

Nabatid na inakusahan umano si Ador ng mga tauhan ng ISAFP na patuloy pa rin sa kanyang panggagantso sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga cellular phones.

Dahil dito, inutos umano ni ISAFP Chief, Col. Victor Corpus na putulan ng linya ng telepono si Mawanay sa kanyang quarters upang matigil na ang anumang transaksiyon nito dahil kahihiyan ng ISAFP ang nakataya kapag may naloko pa itong mga tao.

Ikinagalit naman ito ni Mawanay sa pagsabing hindi man lamang siya binigyan ng pagkakataon ng ISAFP na ibigay ang kanyang panig at makapagpaliwanag.

Kasabay nito ay lumiham na si Sen. Ramon Magsaysay Jr. sa DOJ na humihiling na isailalim na sa seguridad ng DOJ-Intelligence Service Operations Group (ISOG) si Mawanay na siya ring nais ng huli.

Sa kasalukuyan, si Mawanay ay nasa ilalim na ng DOJ-WPP sa pamamagitan ng conditional admission bunga ng umano’y ibinunyag nitong kidnapping at drug activities ni Lacson.

Gayunman, tiniyak ni DOJ-WPP director Senior State Prosecutor Leo Dacera na magpapatuloy pa rin ang pagbibigay nila ng proteksiyon at benepisyo kay Mawanay hanggat buhay ang kaso laban kay Lacson. (Ulat ni Grace Amargo)

DEPARTMENT OF JUSTICE-WITNESS PROTECTION PROGRAM

GRACE AMARGO

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

INTELLIGENCE SERVICE OPERATIONS GROUP

LACSON

MAWANAY

RAMON MAGSAYSAY JR.

SENADOR PANFILO LACSON

SENIOR STATE PROSECUTOR LEO DACERA

VICTOR CORPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with