Kongresista napagkamalang terorista, US visa kinansela
December 6, 2001 | 12:00am
Matapos mapagkamalang isang terorista ng New York Police, kinansela ng United States Embassy ang US visa ni Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada.
Hindi makapaniwala si Lozada na sa kabila na siya ang chairman ng House committee on foreign affairs ay biglang ibinalik sa kanya ng US Embassy ang kanyang registration form para sa pasaporte kasama ang kanyang kinanselang visa.
Ayon kay Lozada, wala siyang matandaang atraso sa pamahalaang America maliban lamang ng masita ito ng New York police noong Oktubre at paghinalaang terorista dahil "suspicious looking" umano habang namamasyal malapit sa "Ground Zero" o sa lugar nang pinasabog na World Trade Center. Matapos magpakilalang isang journalist mula sa Pilipinas ay pinabayaan na ito.
Sinabi ni Lozada na masyadong nakakainsulto ang pagkakansela ng kanyang visa dahil wala man lamang ibinigay na paliwanag ang embahada ng America.
Ipinaliwanag pa ng mambabatas na hiniling lamang niya sa embahada na ilipat sa kanyang bagong passport ang kanyang US visa na nakadikit sa kanyang lumang passport pero nabigla siya nang kanselahin ito.
"Masyado na kasing makapal yong passport ko dahil tatlong patong na kaya pinalakad ko na idikit na lamang sa bagong passport. Pero ang ginawa nila, kinansela nila iyong visa ko," himutok nito.
Maaaring ikinagalit din umano ng mga opisyal ng US ang ginawa nitong pagbatikos sa mga Amerikano ng alisan ng visa at ipa-deport ang dalawang Filipinong piloto na napagkamalang kontaminado ng anthrax.
"Kung ito ang dahilan, ang babaw naman nila. Anong gusto nila tumahimik na lang tayo sa mga ginagawa nila sa mga kababayan natin," sabi pa ni Lozada.
Sinabihan umano siya ng US Embassy na magsumite na lamang ng bagong application form para makakuha muli ng visa.
Dahil dito ay dadaang muli si Lozada sa proseso ng mga first timer na kukuha ng visa at kinakailangang magsumite ng mga requirements gaya ng certificate of employment, bank certificate, original land titles at proof of billing. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended