Calimlim nagretiro na
November 30, 2001 | 12:00am
Pormal nang nagretiro kahapon si AFP Vice Chief of Staff, Lt. Gen. Jose Calimlim pagkaraan ng 37 taon sa serbisyo militar.
Sa isang simpleng seremonya sa Camp Aguinaldo na dinaluhan ni Pangulong Arroyo, isinalin ni Calimlim ang kanyang puwesto kay Lt. Gen. Gregorio Camiling, dating AFP Southcom chief.
Si Calimlim ay humawak rin ng posisyon bilang hepe ng ISAFP at commander ng Presidential Security Command sa panahon ng Estrada administration. Kabilang siya sa top 10 ng PMA Class 68 at mistah ni AFP Chief of Staff Gen. Diomedio Villanueva. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest