^

Bansa

Walang ransom sa mag-asawang Burnham

-
Muling nagpahayag kahapon ng apela ang Estados Unidos sa bandidong Abu Sayyaf Group na pakawalan ng maayos sa lalong madaling panahon ng walang anumang kapalit na kondisyones ang mag-asawang Martin at Gracia Burnham.

Ayon sa US State Department, hindi kailanman makikipag-negosasyon ang America sa mga terorista gaya ng Sayyaf at hindi rin anya magbabayad ng ransom ang US kapalit ng kalayaan ng mag-asawang misyonaryo.

"We’ve made it clear, we don’t make concessions to terrorists, we don’t pay ransom... our view is that they should be released immediately and unconditionally and safely,"
ayon kay Richard Boucher, US State Department spokesman.

Sinabi pa ni Boucher na nanggagalaiti na ang gobyerno ng Amerika sa mga bandido at hindi rin nila ibibigay ang ransom demand na $2 million.

Ang pahayag na ito ng US ay kaugnay na rin ng malimit na banta ng Sayyaf na kanilang papatayin ang mag-asawang Burnham kapag hindi sumunod ang pamahalaang Arroyo at US sa kanilang kagustuhan.

Bukod sa mga Burnham, patuloy pa ring binibihag ng mga bandido ang Pinay nurse na si Deborah Yap. (Ulat ni Rose Tamayo)

ABU SAYYAF GROUP

AMERIKA

BURNHAM

DEBORAH YAP

ESTADOS UNIDOS

GRACIA BURNHAM

RICHARD BOUCHER

ROSE TAMAYO

SAYYAF

STATE DEPARTMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with