Ang apelang ito ni Presidente Arroyo ay batay sa ipinalabas na ulat ng Hong Kong government sa pamamagitan ni Education and Manpower Secretary Fanny Law na patuloy na nagsasagawa ng pagbabalangkas kung dapat bawasan ang mga sahod ng mga domestic workers na karamihan ay mga Filipino.
"Huwag namang bawasan ang minimum wage ng mga domestic helpers,dahil tiyak na magiging kawawa ang kanilang mga pamilya na umaasa sa perang ipinapadala sa kanilang mga mahal sa buhay" pahayag ni Arroyo.
Ang Employers of Overseas Domestic Helpers Association ay nagmungkahi ng 15 hanggang 20 porsiyento ang ibawas sa sahod ng mga domestic helpers upang umano ay mabawasan ang kabigatan ng mga employers sa kanilang pagpapasahod dahil sa krisis ng ekonomiya.
Sinabi naman ni Philippine Consul General Zenaida Angara Collinson na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa gobyernong Hong Kong na ikunsidera ang apela ni Presidente Arroyo.
Umaabot sa 67 porsiyento o may kabuuang 155,330 ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nagtatrabaho dito maliban sa Indonesians na may bilang na 66,970; Thais 6,940 at iba pang bansa na may bilang na 3,870.
Ang pagbabalangkas kung dapat bawasan ang sahod ng mga domestic helpers ay malalaman sa susunod na taon.