2 tomboy sa nida murder susuko na
November 22, 2001 | 12:00am
Nagpadala na ng surrender feelers sa National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang tomboy na sinasabing may partisipasyon sa pagpaslang kay Nida Blanca.
Isang mapagkakatiwalaang impormante sa NBI ang nagsabing nababagabag na ang mga konsensiya nina Candelaria Tantoco at Norma Lopez kaya nagpahayag nang kahandaang isiwalat ang kanilang nalalaman sa oras na sila ay kusang loob na sumuko.
Gayunman, hindi binanggit ng source kung kailan at anong oras lulutang ang dalawa.
Hindi rin sinabi ng source kung ang paglitaw ng dalawang tomboy ay magko-corroborate sa mga ipinahayag ng self-confessed killer na si Philip Medel.
Natatakot umano ang dalawa na baka basta na lamang sila damputin at iligpit para hindi na makapagsalita ng kanilang nalalaman sa krimen. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest