Garchi, Badoy 'bati na'
November 16, 2001 | 12:00am
Upang hindi na umano makaladkad pa ang integridad ng Sandiganbayan sa awayan nina Presiding Justice Francis Garchitorena at Associate Justice Anacleto Badoy, Jr., nagkasundo na ang dalawa na huwag nang magsampa ng kaso laban sa isat isa.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Associate Justice Narciso Nario, chairman ng Fourth Division, makaraang personal na nagkita sa isang pulong kahapon sina Garchitorena at Badoy kung saan nangako umano ang dalawang mahistrado na hindi na magpa-file ng anumang pormal na asunto.
"The meeting was only with respect with the directive of the Supreme Court," sabi ni Nario.
Subalit inamin ni Nario na malayo pa bago ganap na makamit ang kapayapaan sa pagitan nina Garchitorena at Badoy dahil hindi man lamang nagkamay ang mga ito.
"They did not shake hands. That, no filing of charges was the only statement," pahayag ni Nario.
Ayon sa ilang source, hindi umano tinanggap ni Garchitorena ang pakikipag-kamay ni Badoy.
Matatandaan na binigyan ng Supreme Court ang dalawa nang 48 oras na ultimatum para magsampa ng kaso matapos lumabas sa ulat na hindi pa rin nagkakasundo ang mga ito. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest