^

Bansa

Kredibilidad ng mga saksi ipasasailalim sa lie detector test ng NBI

-
Dahil sa pagdududa ng National Bureau of Invetigation (NBI) sa kredibilidad ng mga saksi at suspek sa Nida Blanca murder case, nakatakdang ipasailalim sa lie detector test ang mga ito upang matukoy kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Ayon sa isang source sa NBI, hindi umano kapani-paniwala ang ma testimonya ng ilang mga testigo kaya minabuting isailalim ang mga ito sa polygraph test.

Bagamat hindi tinatanggp sa korte bilang ebidensiya ang lie detector test result, kumpiyansa ang NBI na makatutulong ito upang madetermina kung dapat na ikonsidera ang mga pahayag ng testigo.

Posibe rin umano na mayroong nagtatangka na guluhin ang imbestigasyon at lituhin ang mga imbestigador kaya maraming nagsusulputang witness at nagpapanggap na may alam sa kaso. (Ulat ni Ellen Fernando)

AYON

BAGAMAT

DAHIL

ELLEN FERNANDO

NATIONAL BUREAU OF INVETIGATION

NIDA BLANCA

POSIBE

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with