Erap nagka-sore eyes,di dumalo sa trial
November 8, 2001 | 12:00am
Naapektuhan ang ginagawang paglilitis sa kasong plunder ni dating Pangulong Estrada matapos na dapuan ito ng sore eyes dahilan para hilingin ng kayang abogado na huwag na itong dumalo sa trial.
Lalo pang sumama ang katawan ni Estrada dulot ng labis na pagdaramdam sa sinapit na malagim na kamatayan ng kaibigang aktres na si Nida Blanca.
Dahil dito, pinagbigyan naman ng Third Division ng Sandiganbayan ang kahilingan ng kanyang abogadong si Atty. Jose Flaminiano na huwag nang dumalo at hindi naman tumutol dito si Ombudsman Aniano Desierto.
"For humanitarian consideration, the court grants the request," ani Justice Anacleto Badoy, chaiman ng Third Division.
Kaugnay nito, hiniling naman ni Atty. Rene Saguisag na huwag na ring padaluhin sa pagdinig si Jinggoy Estrada upang makatipid ang pamahalaan dahil iisa lamang ang grupo ng escort na magbabalik sa mag-ama sa Veterans Memorial Medical Center.
Sinabi naman korte na ang desisyong payagan na lumiban ang mag-ama ay para lamang sa kahapong paglilitis.
Hihilingin rin nila ang pagliban ng kanilang kliyente sa mga susunod na hearing hanggang sa gumaling ang karamdaman nito.
Ayon kina VMMC doctors Lito Asilo at Lilia Lorenza, maaaring tumagal ng mahigit isang linggo ang karamdaman ng dating pangulo at mayroong posibilidad na mahawa sa sore eyes si Jinggoy.
Kahit wala ang mag-ama, ipinagpatuloy ng Third Division ang pagdinig kung saan iprinisinta ng prosecution ang kanilang mga testigo. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest