^

Bansa

Desierto bumuwelta, nagsampa rin ng kaso at disbarment

-
Binuweltahan kahapon ni Ombudsman Aniano Desierto ang kasong impeachment na isinampa sa kanya sa pamamagitan naman ng pagsasampa ng kasong kriminal at pagpapa-disbar kay Atty. Ernesto Franciso Jr., abogado ng Bank of Southeast Asia na nag-akusa na tumanggap umano siya ng suhol na P500,000 cash at Beta camera equipment at accessories na nagkakahalaga ng halos P283,000 kapalit ng umano’y pagpapaliban ng Ombudsman sa dinidinig nitong kaso.

Ayon kay Desierto, may personal na galit sa kanya si Francisco matapos na idismis niya ang kasong plunder na isinampa nito laban kina dating Pangulong Estrada at dating Executive Secretary Ronaldo Zamora dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Sa isang press conference, sinabi ni Francisco na personal na tinanggap ni Desierto ang P500,000 cash sa loob ng isang hotel sa Westin Philippine Plaza noong Set. 10, 1997 kapalit umano sa kahilingan ng kliyente ni Francisco na si Mr. Luke Sy-Roxas, controlling stock holder ng BBSA na ipagpaliban ng Office of the Ombudsman ang ginagawang imbestigasyon hinggil sa nawalang tseke ng Petron noong 1997 dahil sa takot ng BSA na magkaroon ng bank run.

Nag-ugat umano ang Petron scam nang mai-encash ng isang sindikatong nagnanakaw ng tseke ang P47 milyong manager’s check ng Philippine National Bank na pambayad ng Petron sa Bureau of Customs para sa tax duties nito.

Isang imbestigasyon ang nakatakdang gawin sana noon ng Ombudsman subalit hiniling ng BSA na ipagpaliban ito.

Upang tuluyang maipagpaliban umano ang imbestigasyon, humiling umano ang isang Ding Timbol, public relations officer ni Desierto noong Agosto 26, 1997 ng isang beta cam equipment at accessories bukod pa sa P500,000 cash. (Ulat nina Malou Rongalerios at Grace Amargo)

vuukle comment

BANK OF SOUTHEAST ASIA

BUREAU OF CUSTOMS

DESIERTO

DING TIMBOL

ERNESTO FRANCISO JR.

EXECUTIVE SECRETARY RONALDO ZAMORA

GRACE AMARGO

MALOU RONGALERIOS

MR. LUKE SY-ROXAS

PETRON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with