Ito ang mariing tinuran kahapon ni Philippine Army Chief Lt. Gen. Jaime delos Santos bunsod na rin ng mga naglalabasang ulat na nag-aalok umano ng malaking halaga ang kampong nasa likod ng planong maglunsad ng kudeta upang pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Arroyo.
Nauna nang pinabulaanan ni AFP chief of Staff Gen. Diomedio Villanueva na dalawang piloto umano ng Philippine Air Force (PAF) ang na-recruit na ng mga coup plotters para sumama sa planong coup detat.
Kasabay nito, binigyang-diin ni de los Santos na nanatiling tapat sa liderato ni Pangulong Arroyo ang 65,000 puwersa ng Philippine Army at walang mabigat na dahilan para tumalikod ang mga ito sa kanilang sinumpaang tungkulin.
Sinabi ni de los Santos na wala nang impluwensiya ang mga sinasabing coup plotters sa AFP para makumbinse at magapang ang suporta ng militar para mag-aklas laban sa administrasyon.
Nagpahayag din ng paniniwala si delos Santos na hindi masasangkot sa coup detat ang Phil. Army dahil hindi makukuha ng mga coup plotters ang kanilang suporta. (Ulat ni Joy Cantos)