Subalit hindi naman sinabi ni Badoy kung ano ang dahilan kung bakit siya ay pilit na pinapakalas ni Garchitorena na hawakan ang kasong plunder ni Estrada.
Sinabi ni Badoy na "first time" niyang humawak ng mga sensitibong kaso tulad ngayong siya ang humahawak ng kaso sa dating pangulo ng bansa na plunder o pandarambong na may kaparusahang bitay.
Subalit lalabanan umano nito ang lahat ng pressure ukol sa nasabing kaso.
Pinabulaanan din nito ang umuugong na balita na mayroong nagaganap na suhulan sa nasabing kaso.
Kung sakaling sapilitan siyang pagbitiwin sa nasabing dibisyon ang nakatakdang papalit sa kanyang puwesto ay si Justice Teresita de Castro. (Ulat ni Lordeth Bonilla)