^

Bansa

Parking at seating space sa mga buntis ipinanukala

-
Dahil sa maselang kalagayan ng mga buntis, hiniling kahapon ng isang mambabatas na ipag-utos ng pamahalaan ang paglalaan ng parking at seating space sa mga pampubliko at pribadong gusali para sa mga nagdadalantao.

Ayon kay Bohol Rep. Edgardo Chato sa kanyang House Bill 2034, makakatulong ng malaki sa mga buntis na gumagamit ng sasakyan ang pagkakaroon ng nakareserbang parking space para sa kanila.

Sinabi pa ni Chato na hindi lamang mga nakareserbang parking space ang dapat na ipagkaloob sa mga buntis kundi maging mga ‘seating space’ o upuan lalo sa mga pampublikong sasakyan.

Dapat umanong ipakita ng pamahalaan sa mga nagdadalantao na mahalaga sa gobyerno ang kapakanan ng mga ina lalo na sa loob ng 9 na buwan ng kanilang maselang kalagayan.

Sa sandaling maging isang batas, aatasan ng pamahalaan ang lahat ng public at private buildings katulad ng mga educational institutions, airports, sports and recreation centers, shopping centers, workplaces, at iba pang public utilities na maglaan ng parking at seating space para sa mga buntis.

Ayon pa kay Chato, hindi na rin dapat tumayo sa loob ng mga sasakyan ang mga buntis dahil uutusan ng pamahalaan ang lahat ng public transportation na maglaan ng upuan para sa mga ito.

Ang sinumang mapapatunayang lalabag sa nasabing panukala sa sandaling maging isang batas ay pagmumultahin ng pagkabilanggo ng hindi bababa sa isang buwan subalit hindi lalampas sa isang taon at multang P10,000 hanggang P20,000. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

AYON

BOHOL REP

CHATO

DAHIL

DAPAT

EDGARDO CHATO

HOUSE BILL

MALOU RONGALERIOS

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with