Sa House Bill No. 3799 o "Burial Act of 2001" na inihain ni Caloocan City First District Rep. Enrico Echiverri, layunin nitong malutas ang mabigat na pasanin ng pamilya ng namatayan dahilan sa kawalan ng pera na pantubos ng bangkay ng kanilang kaanak sa mga morgue.
Pinagbabawalan din sa panukala ang mga may-ari ng punerarya na manghingi ng deposito para mailabas ang bangkay o upang magbigay ng serbisyo sa pamilya ng namatay.
Sinumang opisyal o empleyado ng punerarya o morgue na hindi susunod sa naturang batas ay mapaparusahan ng pagkakakulong ng mahigit sa anim na buwan hanggang 2 taon at apat na buwan at pagbabayad ng halagang P20,000 pero hindi hihigit ng P100,000 base na rin sa kautusan ng korte. (Ulat ni Malou Rongalerios)