Mabigat na parusa sa mga puneraryang nanggigipit
November 1, 2001 | 12:00am
Bilang na ang araw ng mga may-ari ng mga punerarya na tumatangging ilabas ang bangkay kapag walang perang pantubos ang mga kamag-anak ng namatay sa sandaling maipasa sa Kongreso ang isang panukala na naglalayong mabigyang kaparusahan ang mga ito.
Sa House Bill No. 3799 o "Burial Act of 2001" na inihain ni Caloocan City First District Rep. Enrico Echiverri, layunin nitong malutas ang mabigat na pasanin ng pamilya ng namatayan dahilan sa kawalan ng pera na pantubos ng bangkay ng kanilang kaanak sa mga morgue.
Pinagbabawalan din sa panukala ang mga may-ari ng punerarya na manghingi ng deposito para mailabas ang bangkay o upang magbigay ng serbisyo sa pamilya ng namatay.
Sinumang opisyal o empleyado ng punerarya o morgue na hindi susunod sa naturang batas ay mapaparusahan ng pagkakakulong ng mahigit sa anim na buwan hanggang 2 taon at apat na buwan at pagbabayad ng halagang P20,000 pero hindi hihigit ng P100,000 base na rin sa kautusan ng korte. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest