Ang pahayag ay ginawa ni Abenina bilang tugon sa reklamo ng Powerbrokers, samahan ng mga drug testing operators na may nagaganap na monopolyo sa suplay at halaga ng drug testing kits sa lahat ng drug testing centers sa buong bansa.
Binigyan diin ni Abenina na bukas ang sinumang private companies na mag-aply at magpa-accredit sa LTO kung nais na makiisa sa pangangasiwa sa drug testing ng ahensiya dahil wala silang kinikilingan.
Labas na rin umano sila sa usapin ng halaga ng suplay at kits na gagamitin sa pagpa-drug test ng mga drivers dahil ang LTO ay taga-pagpatupad lamang ng batas.
Niliwanag din ni Abenina na hanggang pagtanggap ng aplikasyon at pag-accredit lamang ng mga drug testing operators ang tungkulin sa usapin ng drug test dahil ang Department of Transportation and Communication (DOTC) ang siyang mag-aapruba ng mga lehitimong magpapatupad sa drug test. (Ulat ni Angie dela Cruz)