^

Bansa

Secret air deal ng DOTC sa pagitan ng RP-Singapore iimbestigahan sa Senado

-
Pinaiimbestigahan sa Senado ng samahang Save Our Skies, Inc. (SOS) ang umano’y isa pang kontrobersiya na kinasasangkutan ni Department of Transportation and Communication (DOTC) Secretary Pantaleon Alvarez nang makipagtransaksiyon ito kay Singapore Prime Minister Yeo Cheow Tong noong Agosto 25, 2001 sa tinaguriang ‘‘Confidential Memorandum of Understanding on Air Agreement’’ sa pagitan ng Pilipinas at Republic of Singapore.

Sa liham na ipinadala ni SOS President Robert Lim Joseph kay Senador Ralph Recto kamakailan lang ay humingi ito ng tulong para ipabusisi sa Senado ang ‘‘legality, timeliness and fairness: ng naturang kasunduan na sinasabing ‘‘makapagdudulot ng malaking pinsala sa interes ng Pilipinas kundi man isang tuwirang ilegal na kasunduan.’’

Ayon kay Joseph, ang SOS ay isang non-government organization (NGO) na nagtataguyod ng graduwal na liberalisasyon ng civil aviation industry at kinapapalooban ng mga pangulo ng Network of Independent Travel Agencies (NITAS); Philippine Tour Operators Association (PHILTOA); Air Forwarders Association (AFA); at Philippine Air Lines Employees Association (PALEA) na may mahigit sa 800 miyembro.

Ipinaliwanag ng liham ng SOS kay Recto na sa pamamagitan ng ‘‘open skies’’ policy, ang mga foreign aircraft ay maaaring magbaba at magsakay ng mga pasahero sa Pilipinas nang walang restriksiyon.

‘‘At nanganganib d’yan sa Open Skies policy ang mga local airline industry, particular na ang PAL, gayundin ang iba pang negosyo sa bansa na lalamunin ng mga foreign investors,’’ sabi pa ni Joseph.

Sinabi pa ni Joseph na ang ‘‘secret air deal’’ sa pagitan nina Pantaleon at Tong ay taliwas sa industry advisories na nagmumungkahi ng bilateral agreements sa pagitan ng Japan at Korea na may lumalawak na market sa halip na makipagkasundo sa Singapore.

‘‘Nang itanong kay Recto kung ano ang gagawin nitong aksiyon sa umano’y ‘‘secret air deal" ng DOTC sa pagitan ng RP-Singapore, tahasang sinabi ng senador na ‘‘the issue merits the attention of the senate and government official who has deliverately misused or abused public trust will be made responsible.

AIR AGREEMENT

AIR FORWARDERS ASSOCIATION

CONFIDENTIAL MEMORANDUM OF UNDERSTANDING

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

NETWORK OF INDEPENDENT TRAVEL AGENCIES

OPEN SKIES

PHILIPPINE AIR LINES EMPLOYEES ASSOCIATION

PHILIPPINE TOUR OPERATORS ASSOCIATION

PILIPINAS

PRESIDENT ROBERT LIM JOSEPH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with