Hindi umano makakilos ang Department of Justice sa kagustuhan ng mga preso na makauwi ng bansa dahil walang kaukulang legal na basehan para sila ay makulong sa Pilipinas dahil sa Hongkong sila nahatulan.
Ayon kay Philippine Consul General Ma. Zenaida Angara Collins,na pumapayag naman ang pamahalaang Hongkong na pauwiin sa Pilipinas ang mga preso subalit hindi pa napagtitibay ng Senado ang mutual assistance on criminal matters o ang paglilipat sa dalawang bansa ng mga nahatulan nilang mamamayan na nakagawa ng pagkakasala sa Hongkong at Pilipinas.
Sinabi ni Collins na ang pagkakasala ng mga nabilanggong Pinoy ay mula sa ilegal na pag-iingat ng huwad na pasaporte, paso na ang kanilang mga kontrata at pagpatay.
Tatlong Pinoy ang nahatulan ng salang pagpatay at kabilang dito ang isang Baby Bueno na umano ay pumatay sa kasintahan nitong Suwiso. (Ulat ni Lilia Tolentino)