^

Bansa

P20-M foreign curencies nasabat sa NAIA

-
Naharang kahapon ng mga alertong tauhan ng Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang bultu-bultong iba’t ibang foreign currencies na nagkakahalaga ng may P20 milyon na takdang ipuslit umano ng isang pasahero na patungong Hong Kong.

Ayon kay NAIA Customs District Collector Celso Templo, nabigo ang pasaherong si Rosauro Patricio, 45, ng La Union, na madala sa kanyang pag-alis papuntang Hong Kong ang US, Japanese, Canadian at Australian currencies na nakalagay sa isang travelling bag.

Nakasakay na sa eroplano si Patricio ng damputin. Nang hingan ng permit mula sa Central Bank ay wala itong maipakita.

Nabatid na matagal nang sinusubaybayan ng mga awtoridad si Patricio.

Base sa records ng departing passengers mula sa NAIA Centennial Terminal II, si Patricio ay isang lisensiyadong money exchange dealer at isang regular commuter patungong Hong Kong.

Nabatid din na si Patricio ay isang beses sa isang linggo kung magtungo sa Hong Kong na ang dala ay hand-carry luggage at babalik din sa araw na ‘yon.

Gayunman, walang pagbabawal ang gobyerno sa sinuman na maglabas sa bansa ng foreign currencies. Ang pagbabawal ay sumasakop lamang sa local currency na lalagpas sa P10,000.

Pero sa ilalim ng ipinasang money laundering law, ang isang tao ay maaaring imbestigahan kung siya ay makukuhanan sa kanyang pag-iingat ng P5 million o higit pa para matukoy ang pinanggalingan o pinagmulan ng pera.

Kinuwestiyon naman ng mga abogado ni Patricio ang pagkakakumpiska ng Custom authorities. Wala umanong nilalabag na anumang batas ang kanilang kliyente sa pagdadala ng foreign currencies sa Hong Kong.

Nakatakdang sampahan ng paglabag sa money laundering law si Patricio. (Ulat ni Rey Arquiza)

CENTENNIAL TERMINAL

CENTRAL BANK

CUSTOMS DISTRICT COLLECTOR CELSO TEMPLO

HONG KONG

ISANG

LA UNION

NABATID

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PATRICIO

REY ARQUIZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with