^

Bansa

P1.8M gamot ng DOH nawawala

-
Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng Mandaluyong police ukol sa nawawalang P1.8 milyong halaga ng gamot ng Department of Health (DOH) para sa regional offices nito sa lungsod na ito.

Humingi ng tulong si DOH Director of the Center for Health Development (CFHD) ng Mandaluyong police ukol sa pagkawala ng tinatayang 672 kahon ng gamot sa opisina nito sa Welfare Compound, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong.

Ayon kay PO3 Robert Eugenio, ito’y matapos na iulat ng nurse na si Imma Javier ang pagkawala ng gamot na Loratidine (Claritin) 10 mg. na tablets. Humingi umano siya ng ilang piraso nito noong Okt. 9 sa mga stockmen na sina Alvin Barros at Goresmundo Macatuno ngunit walang naibigay sa kanya dahil sa na-ideliver na raw ang mga ito.

Dito napuwersang magsagawa ng imbentaryo si Javier kung saan nadiskubre niya ang mga nawawalang gamot. (Ulat ni Danilo Garcia)

ADDITION HILLS

ALVIN BARROS

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF HEALTH

DIRECTOR OF THE CENTER

GORESMUNDO MACATUNO

HEALTH DEVELOPMENT

HUMINGI

IMMA JAVIER

MANDALUYONG

ROBERT EUGENIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with