Ebdane susunod na PNP chief-GMA
October 26, 2001 | 12:00am
Para matigil na ang agawan sa pamunuan ng PNP ay ibinunyag na kahapon ni Pangulong Arroyo na ang susunod na hepe ng PNP ay si director Hermogenes Ebdane kapalit ng magreretiro nang si PNP chief director Gen. Leandro Mendoza.
Ang pahayag ng Pangulo ay para pabulaanan ang ulat na si C/Supt. Reynaldo Berroya ang magte-takeover bilang PNP head.
"Ang susunod na PNP chief is General Ebdane at alam naman ni General Berroya iyon. Im sure General Berroya never said he will be the next one, may nag-iintriga lang sa kanya," paliwanag ng Pangulo.
Si Mendoza ay takdang magretiro sa serbisyo sa Enero ng susunod na taon. Si Ebdane ang kasalukuyang hepe ng anti-kidnapping task force ng National Anti-Crime Commission,
Samantala, ayaw patulan ni Pangulong Arroyo ang bintang ng oposisyong Puwersa ng Masang Pilipino na may kinalaman sina dating pangulong Ramos at dating National Security Adviser Jose Almonte sa umanoy kudeta sa kasalukuyang gobyerno.
Hinamon ng Pangulo ang oposisyon na maglabas ng ebidensiya bago ito paniwalaan at pakinggan ang tsismis. (Ulat nina Ely Saludar/Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended