Ito ang senaryong ikinuwento ng isang teenager na kasama sa apat na bandidong naaresto sa Basilan nitong nakaraang Linggo at kabilang sa nagsagawa ng pagdukot kay Sobero at sa iba pang bihag noong nakaraang Mayo 27.
Ayon kay Bashir Balahim, 16, piniringan at itinali ang mga kamay ni Sobero at saka ito pinaluhod. "No, no, please, I beg of you," umiiyak na pagmamakaawa ng biktima bago tinagpas ni Abu Haija, aide ni Sayyaf leader Khadaffy Janjalani, ang ulo nito ng machete.
Kasama ni Balahim na naaresto ang amang si Abdul Kap, senior leader ng ASG. Kapwa sila nakapiit sa selda ng pulisya sa Zamboanga City.
Ayon sa teenager, 14-anyos pa lang siya ay Abu Sayyaf member na at nakapatay na ng di mabilang na mga sundalo.
Pero hindi ipinagmamalaki ni Balahim ang gawaing ito at kung siya lang ang masusunod, "ayoko nang maging Abu Sayyaf member palagi kang tumatakbo, mahirap yung hinahabol ka ng maraming sundalo," wika ni Balahim.