^

Bansa

Drug test sa mga driver,tuloy na tuloy na sa Okt.29

-
Inihayag kahapon ni Land Transportation Office (LTO) Chief Edgardo Abenina na tuloy na tuloy na ang pagsasagawa ng drug test sa lahat ng drivers na kukuha ng lisensiya sa Oktubre 29 ng taong ito.

Ito ay matapos na ianunsiyo ng LTO Drug Test Committee na pinamumunuan ni Atty.Percival Cendana na naisumite na nila sa Department of Transportation and Communications (DOTC) ang may 113 private companies na nagsipag-apply sa LTO upang sila ang makapangasiwa ng drug test nationwide.

Lalagdaan ito ngayong linggo ni DOTC Sec. Pantaleon Alvarez para mapayagan silang makapagsagawa ng drug test na ipinatutupad ng LTO sa mga aplikante at renewals ng drivers license.

Layunin ng drug test para sa mga drivers ay upang masawata ang aksidente sa mga lansangan at maalis na ang mga drivers na gumagamit ng droga. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

CHIEF EDGARDO ABENINA

CRUZ

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

DRUG TEST COMMITTEE

INIHAYAG

LALAGDAAN

LAND TRANSPORTATION OFFICE

PANTALEON ALVAREZ

PERCIVAL CENDANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with