^

Bansa

Sanchez mabubulok na sa Bilibid

-
Tuluyan nang nawalan nang pag-asa si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na makalabas ng New Bilibid Prisons (NBP) makarang ibasura kahapon ng Supreme Court ang motion nito na humihiling na baligtarin ang naunang desisyon ng mababang hukuman laban dito.

Sa 13-pahinang desisyon na ipinalabas ng Special First Division ng SC, ibinasura nito ang motion for reconsideration na isinampa ni Sanchez noong January 25, 1999.

Ikinatuwiran ng SC na hindi napatunayan ni Sanchez na naging bias si Pasig City Regional Trial Court Branch 70 Judge Harriet Demetriou sa pagpapalabas nito ng hatol na habambuhay na pagkabilanggo laban sa nasabing mga akusado.

Magugunita na ipinagharap ng kasong rape with homicide si Sanchez kasama ang mga akusadong sina George Medialdea, Zoilo Ama, Baldwin Brion, Luis Corcolon, Rogelio Corcolon at Pepito Kawit sa pagdukot at pagpatay sa magkasintahang Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong 1993 sa Calauan, Laguna.

Binigyang diin ng SC na hindi pinagkaitan ng kanyang karapatan sa pantay na pagdinig sa kaso si Sanchez dahil sa naging pantay naman ang mga kagawad ng media sa pagpapalabas ng mga balita hinggil dito. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

ALLAN GOMEZ

BALDWIN BRION

CALAUAN

EILEEN SARMENTA

GEORGE MEDIALDEA

GRACE AMARGO

JUDGE HARRIET DEMETRIOU

LAGUNA MAYOR ANTONIO SANCHEZ

LUIS CORCOLON

NEW BILIBID PRISONS

SANCHEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with