Transparent envelope kapalit ng sobre laban sa anthrax
October 22, 2001 | 12:00am
Sa gitna ng kilabot na dulot ng anthrax na maaaring makuha sa pamamagitan ng sulat na nakapaloob sa sobreng di nakikita ang laman ay isang transparent envelope na yari sa biodegradable plastic ang siyang iminumungkahi ngayon ng Department of Health (DOH) kapalit ng mga ordinaryong sobre.
Ayon sa mga siyentista ng Department of Science and Technology, (DOST) isang malakas at matatag na political will lamang ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kailangan upang makilala ng tao ang biodegradable plastic na maaring gawing sobre at maging ng iba pang produktong yari sa ordinaryong plastic na nagiging basura habang buhay.
Nabatid na isang Dr. Jose A. Mallari, Ph.D in Biological Science ang nakadiskubre ng isang uri ng biodegradable plastic na maaring ipalit sa nakasanayan ng synthetic plastic na hindi natutunaw ang nagrekomenda na gumamit na lamang ng mga see-through plastic bilang mga sobre upang makaiwas sa kinatatakutang anthrax na posibleng ilakip sa mga sulat dahil agad na makikita ang anumang ibang laman nito sa loob. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended