Mayor, 3 pa inaresto sa 2-B shabu
October 15, 2001 | 12:00am
Isang municipal mayor at tatlo nitong kasama kabilang ang isang Chinese national ang inaresto ng mga awtoridad matapos mahulihan ng 498 kilo ng shabu na umaabot sa P2 bilyong piso sa isang drug operation kamakalawa ng hapon sa Brgy. Kiloloron, Real, Quezon.
Sa report na nakarating kay Supt. Roberto Rosales, Quezon PNP Director, kinilala ang mga suspek na sina Panukulan,Quezon Mayor Ronnie Tena Mitra, William Yao, 24, tubong Fookien, China at ang tauhan ng mayor na sina Javier Morilla at Ruel Dequilla.
Batay sa report, dakong alas-4:35 ng hapon ay nasabat ng mga tauhan ng 414th Provincial Police Mobile Group ang ambulansiya ng Panukulan na may plakang SFK-372 kasunod ang Starex van na pag-aari ni Mitra kasama si Yao na may plakang EWT-888 at may commemorative plate sa unahan na "Mayor" na nagsisilbing escort ng ambulansiya.
Pinapatigil ng mga awtoridad ang mga sasakyan ng mga suspek nang dumaan ito sa checkpoint ng 414th PPMG, subalit sa halip na tumigil ay tinakbuhan pa ito ng mga suspek.
Nagkaroon ng maigsing habulan hanggang sa maabutan ang sasakyan ng mga suspek sa Brgy. Capalong ng mga awtoridad.
Ayon kay SPO2 Danilo De Castro, information officer ng 414th PPMG na nagsagawa sila ng mahabang surveillance ukol sa isang drug shipment mula sa mainland China na magbababa ng bultu-bultong shabu.
Ang nakumpiskang 15 sako ng shabu ay nasa kustodya ng 414th PPMG sa Real, Quezon.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nakakulong sa Camp Crame ay inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito.(Ulat ng PSN reportorial team)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended