'Inosente ako sa PCSO Scam' - First Gentleman Arroyo
October 8, 2001 | 12:00am
Binasag na kahapon ni First Gentleman Mike Arroyo ang kaniyang pananahimik sa kinasasangkutan nitong umanoy P250 milyon anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Idineklara nito na siya ay inosente sa mga ibinabatong akusasyon na umanoy nakialam sa pondo ng PCSO na ginastos sa nakaraang eleksiyon.
Nauna rito ipinaubaya ng first gentleman sa kanyang tagapagsalita na si Atty. Patricia Bunye ang pagtugon sa mga alegasyon ni dating PCSO media consultant Robert Rivero.
Kasabay nito, mariing pinabulaanan ni Atty. Arroyo na kanyang tinawagan si Rivero upang pakiusapan na huwag nang ituloy ang pagbubunyag sa umanoy PCSO scam.
Idinagdag pa ni Atty. Arroyo na maaari namang siyasatin ang mga dokumento sa PCSO upang mapatunayan na walang naganap na anomalya sa transaksiyon. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest