^

Bansa

GMA 'nainis' sa palakpak

-
Hindi lahat ng palakpak ay ikinasisiya ni Pangulong Arroyo dahil may pagkakataong ang palakpak ay may ibang kahulugan na maaaring ikainis nito.

Kahapon sa bayan ng Gloria, Mindoro Oriental nang bumisita ang Pangulo para mamahagi ng sertipiko ng pagmamay-ari ng lupa sa 128 mga magsasaka at P1 milyon para naman sa modernisasyon ng agrikultura sa mga bayan ng naturang lalawigan, ay malakas na palakpak ang ikinasorpresa ng Presidente sa bahagi ng kanyang talumpati kung saan nabanggit niyang sa bayan ng Gloria ay namumugad ngayon ang maraming rebeldeng CPP-NPA-NDF.

"Bakit ninyo pinapalakpakan ‘yon, hindi pinapalakpakan ‘yon," pahayag ng Pangulo ng mapunang nagpalakpakan ang mga tao matapos niyang sabihing pinakamalakas ang problema ng insurgency sa Gloria.

Gayunman, napalitan ang "pagka-inis" na ito ng mabasa ng Pangulo ang streamer na "Maligayang pagbabalik sa iyong sariling bayan." (Ulat ni Lilia Tolentino)

BAKIT

GAYUNMAN

KAHAPON

LILIA TOLENTINO

MALIGAYANG

MINDORO ORIENTAL

PANGULO

PANGULONG ARROYO

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with