^

Bansa

Kakayahan ng YOU mag-kudeta ngayong Oktubre minaliit ng PNP

-
Binalewala lamang kahapon ng pamunuan ng PNP ang kakayahan ng Young Officers Union (YOU) na magsagawa ng malawakang pag-aalsa na umano’y gigimbal sa pamahalaan kaugnay pa rin ng pagtatapos ng 3-buwang palugit ng grupo laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

Napag-alaman na magtatapos sa darating na Oktubre 17 ang tatlong-buwang palugit ni Supt. Raffy Cardeno, founding Chairman ng YOU, laban sa mga tinututukan umano nilang tiwaling opisyales sa gobyerno.

Sa nasabing pagbabanta, sinabi ni Cardeno na kung hindi nila mapipilit ang mga nasabing opisyal ng gobyerno na magbitiw sa tungkulin ay mapipilitan silang magsagawa ng malawakang aksyon laban sa mga ito. Bagama’t hindi tinukoy ni Cardeno kung anong uri ng pagbabanta ang kanyang tinutukoy ay pinaniniwalaang may balak itong maglunsad ng kudeta.

Bilang reaksyon ay sinabi kahapon ni PNP Spokesman Chief Supt. Crescencio Maralit, na wala nang kakayahan ang YOU upang magsagawa ng anumang marahas na hakbangin laban sa gobyerno.

Gayunpaman, sinabi ng opisyal na nirerespeto nila ang misyon ng You na malinis ang hanay ng gobyerno ngunit kung may karahasan umano na sangkot dito ay hindi sila papayag na maganap ito. ‘‘No questions na maganda naman ang layunin nila pero iba nang usapan kung may violent action, of course hindi kami papayag diyan. Sa ngayon, wala naman kaming natatanggap na report na may balak silang drastic action,’’ paglilinaw ni Maralit. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BAGAMA

BILANG

BINALEWALA

CARDENO

CRESCENCIO MARALIT

GAYUNPAMAN

JOY CANTOS

RAFFY CARDENO

SPOKESMAN CHIEF SUPT

YOUNG OFFICERS UNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with