Ito ang mariing payo kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Leandro Mendoza matapos itong pumagitna sa patuloy na bangayan ng Aviation Security Group (ASG) at ng Airport Security Force.
Kasabay nito, sinermunan ni Mendoza ang mga kinauukulan na asikasuhin na lamang mabuti ang kanilang trabaho upang hindi malusutan ng mga terorista at itigil na ang iringan.
Ginawa ni Mendoza ang nasabing pahayag makaraang magsumbong sa kanya si ASG Director, Chief Supt. Marcelo Ele Jr., na umanoy hindi nakikipagtulungan sa kanila ang NAIA Airport police sa pangunguna na hepe nitong si Peter Mutuc.
Batay sa reklamo ni Ele, sinabi nito na simula nang ilagay sa heightened alert level ang paliparan kamakailan bunsod ng naganap na planadong pag-atake ng mga terorista sa Estados Unidos ay hindi na nakipagtulungan sa kanila ang airport police.
Samantala, iginiit ni PNP Spokesman Chief Supt. Crescencio L. Maralit ang karapatan ng ASG na ipatupad ang kaukulang seguridad sa lahat ng domestic at international airports sa bansa base na Constitution. (Ulat ni Joy Cantos)