Mga piloto di pabor mag-armas
September 29, 2001 | 12:00am
Tinanggihan ng Airline Pilots Association of the Philippines (ALPAP) ang plano ng gobyerno na armasan sila habang nasa flight upang mapigilan ang mga insidente ng hijackings.
Ikinatuwiran ni ALPAP president Teodito Lloren, na tiyak maiilang ang mga pasahero ng isang eroplano na makitang ang mga piloto ay may mga nakasukbit na baril at hindi maiaalis sa mga ito na isiping baka target ng hijackers ang kanilang eroplano.
Sinabi ni Lloren na mas makakabuti kung magpatupad ang Aviation Security Group sa ilalim ni police Director Marcelo Ele ng mahigpit na seguridad sa departure areas, lalo na sa perimeter zones ng mga paliparan ng bansa.
Wala anyang makapipigil sa isang determinadong terorista na makapasok sa isang eroplano dahil puwede siyang magpanggap na miyembro ng crew.
Ayon kay Lloren, ang sunud-sunod na hijackings na nangyari sa US ay maaaring mangyari sa bansa kung ang ating airport security ay magiging maluwag.
Binanggit ni Lloren na ang mga seguridad sa US airports ay masyado ng mahigpit, pero nalusutan pa rin sila ng mga terorista. "What more to our airports which are not as sophisticated than the airports in other parts of the globe," sabi ni Lloren.
Matatandaang naghigpit din ng seguridad ang Federal Aviation Administration sa lahat ng US airports matapos hayjackin ang tatlong commercial airlines at pasabugin sa World Trade Center at Pentagon noong Sept. 11.
Plano rin ng US authorities na maglagay ng sky marshals sa domestic international flights nito para mapigilan ang anumang tangkang pangha-hijack. (Ulat ni Nestor Etolle)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am