^

Bansa

FBI agent ni Bush hinoldap

-
Hindi nagamit ng isang female agent ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ang galing nito sa terorismo makaraang hindi makaporma nang holdapin ng nag-iisang armadong lalaki habang naglalakad sa kahabaan ng Ermita, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ang 30-anyos na si Jennifer Carolyn Boome, special agent ng FBI at bihasang anti-terrorist spy, pansamantalang nanunuluyan sa Manila Midtown Hotel sa Pedro Gil st., Ermita ay ipinadala sa bansa ni US President George W. Bush para mag-espiya sa hinihinalang terorista na pinaniniwalaang nasa bansa.

Dahil sa tindi ng pagkapahiya, kahapon lamang inireport ni Boome ang kanyang karanasan sa Western Police District-General Assignment Division.

Sa salaysay ni Boome, katatapos lang niyang mag-dinner sa isang restaurant at ilang hakbang pa lamang ang layo niya dito nang lapitan siya ng suspek, akbayan at tutukan ng baril sabay deklara ng holdap.

Ayon kay Boome, nataranta siya at nalito kaya hindi niya nagamit ang kanyang husay sa martial arts. Inisip rin umano niya na baka malagay sa panganib ang kanyang buhay.

Dahil dito, hindi na nahirapan pa ang holdaper na kunin ang kanyang mamahaling mga alahas at hindi nabatid na halaga ng mga dolyares.

Nakuha rin sa biktima ang kanyang identification cards at iba pang mahahalagang dokumento.

Iniutos na ni WPD Director Nicolas Pasinos ang pagsasagawa ng follow-up operation sa kaso. (Ulat ni Ellen Fernando)

DAHIL

DIRECTOR NICOLAS PASINOS

ELLEN FERNANDO

ERMITA

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

JENNIFER CAROLYN BOOME

MANILA MIDTOWN HOTEL

PEDRO GIL

PRESIDENT GEORGE W

WESTERN POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with