^

Bansa

Rep. Andaya pinaalalahan ang mga gabinete ukol sa luxury cars

-
Pinaalalahanan ni Rep. Rolando Andaya Jr. ang mga miyembro ng Gabinete at iba pang agency heads na ang kanyang komite ay gagawa ng isang probisyon na magbabawal sa pagbili ng mahahaling sasakyan, maliban na lamang kung may approval ni Pangulong Arroyo.

Ayon kay Andaya, chairman ng House appropriations committee, tanging mga ambulansiya, military at police patrol vehicles, road construction equipment, bangka at mga sasakyang para sa mass transport ang papayagang bilhin.

Sinabi ni Andaya na sa ilalim ng kasalukuyang appropriations law ay pinapayagan ang Pangulo na bumili ng luxury cars, pero inayawan ito ng Pangulo.

Sa halip, nagpataw ito ng ban sa mga bagong sasakyan at iniutos ang auction sa mga luxury cars na pag-aari ng gobyerno.

Ang direktiba ng Pangulo ay nakapaloob sa Administrative Order No. 3, na nagbabawal sa "pagbili at paggamit" ng lahat ng agency heads, kabilang ang mga government corporations at education institutions.

Inaatasan ang mga opisyal na ito na "isuko" ang kanilang luxury vehicles.

Gayunman, ilang Cabinet members ang bumabalewala sa naturang direktiba at karamihan sa mga ito ay nakikitang gumagamit ng mga mahahaling sasakyan patungo sa Batasan building sa Quezon City kapag dumadalo sa budget hearings.

Ang kanilang mga sasakyan ay Land Cruiser, Pajero at brand new V-6 Nissan Cefiro Broughams. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ADMINISTRATIVE ORDER NO

ANDAYA

LAND CRUISER

MALOU RONGALERIOS

NISSAN CEFIRO BROUGHAMS

PANGULO

PANGULONG ARROYO

QUEZON CITY

ROLANDO ANDAYA JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with