Matatandaan na ang convicted international terrorist na si Ramzi Youssef na siyang nagsagawa ng pambobomba sa World Trade Center sa New York noong 1993 ay dito sa Pilipinas nagtago bago ito naaresto.
Sa kasalukuyan, ang embahada ng Washington, Philippine Mission sa New York at ang lahat ng mga konsulado sa buong Amerika ay nananatiling pinag-ibayo ang alerto matapos ang serye ng nasabing pambobomba.
Mula pa kahapon ay wala pang kumpirmadong impormasyon o report na natatanggap ang DFA hinggil sa mga Filipino casualties bagamat patuloy pa rin umano ang isinasagawang pag-iikot ng mga ito sa ibat ibang pagamutan doon upang makakalap ng anumang impormasyon. (Ulat ni Rose Tamayo)