Ayon kay Secretary Roco, malabong kagatin ang walang kuwentang tsismis dahil napakahusay ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Arroyo.
"I dont believe that, intriga lang iyan. Nakalimutan yata niya na I was part of the group that backed President Arroyo last October 2000 kaya may pinagsamahan kami na hindi dapat talikuran," wika ni Roco.
Wala rin umano siyang alam kung ano ang motibo ni Lacson sa ginawa nitong pahayag.
Huli umano silang nagkausap ng senador noong SONA ni Pangulong Arroyo at binati pa siya nito na "kumpare" dahil sa pag-ninong nila sa isang mag-asawang ikinasal.
Ang tanging nagawa lamang umano niya kay Lacson ay noong gumawa siya ng ulat noong June 10, 1995 na nag-uutos para magsagawa ng imbestigasyon sa kaso ng Kuratong Baleleng.
Sinabi pa ni Roco na baka nakalimutan ni Lacson na ang intriga ay hindi tumatalab sa may mahusay na pagsasamahan. (Ulat ni LTolentino/DGarcia)