Binigyang-diin ni Danilo Garcia, tagapagsalita ng naturang samahan, na isang pagkilos ang kanilang gagawin hindi upang wasakin ang kredibilidad ni Abad, kundi upang pakilusin ang huli hinggil sa paglalaan ng programang magpapa-angat sa kondisyon ng mga magbubutil sa buong bansa.
Sinabi ni Garcia na dulot ng kapabayaan ng NFA na mabigyan ng sapat na programa ang mga grain retailers sa bansa, patuloy na bumabagsak ang kanilang kita bunsod naman ng pagpasok ng mga importadong butil tulad ng bigas.
Magmula nang papasukin ng pamahalaan ang mga imported na bigas at iba pang butil, hindi na sila maka-kompetensiya sa mga imported items dahil sa mababang presyo nito.
Mas mababa umano ang presyo ng mga imported grains dahil mababa ang nagastos nila dito samantalang ang mga lokal na magbubutil ay malaki ang gastos dulot naman ng sumasamang kundisyon ng pananalapi sa bansa.
Kailangan din anyang maglaho na ang mga anomalya sa NFA na siya umanong ugat ng kahirapan ng mga magbubutil sa bansa. (Ulat ni Angie dela Cruz)