^

Bansa

GMA di papayag na maging pugad ng mga adik ang 'Pi

-
Ipinangako kahapon ni Pangulong Arroyo na hindi niya mapapahintulutang maging pugad ng bawal na gamot ang bansa na kung saan ang mga drug lord ang siyang naghahari at nagdudulot ng takot sa mamamayan.

Sa isang talumpati sa National Consultative Conference on Peace and Order na ginanap sa Westin Philippine Plaza, sinabi ng Pangulo na siya ang personal na mamumuno ng kampanya laban sa sindikato ng droga, sindikato ng pangingidnap at iba pang kriminal.

‘‘Ako ay lubhang natatakot na kung hindi tayo kumilos agad, marami pang kabataan ang magiging addict. Matatandaan ninyo, sa aking SONA, sinabi kong isusulong ko ang pagsusog sa Dangerous Drugs Act para ang pag-iingat lang ng kahit kaunting bawal na gamot ay maging isang pagkakasalang kriminal,’’ anang Presidente.

Sinabi ng Pangulo na isang magandang ehemplo ang nakita ng mamamayan sa Colombia na kung saan ang ‘‘narco politics’’ ay umiiral kung kaya’t ang drug trafficker ang siyang nakapaglalagay sa kanilang mga bata sa maimpluwensiya at matataas na puwesto sa gobyerno.

‘‘Kung hindi tayo mag-iingat, maaari tayong maging isang Colombia. Ako ay nagdarasal sa Panginoon na sana hindi ito mangyari,’’ anang Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na pinagtibay na rin niya ang paglikha ng isang anti-drug task force sa ilalim ng National Anti-Crime Council sa pamumuno ni Gen. Miguel Coronel at anti-kidnapping task force na pamumunuan ni Gen. Hermogenes Ebdane Jr. (Ulat ni Lilia Tolentino)

DRUGS ACT

HERMOGENES EBDANE JR.

LILIA TOLENTINO

MIGUEL CORONEL

NATIONAL ANTI-CRIME COUNCIL

NATIONAL CONSULTATIVE CONFERENCE

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PEACE AND ORDER

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with